Tuesday, December 1, 2009

Celebrities who will run in 2010 elections

Bukod sa mga artistang sumusuporta sa mga kandidato, tiyak na magiging star studded ang kampanya ng darating na May 2010 elections dahil sa dami ng mga artistang kakandidato.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, inisa-isa ni entertainment reporter Lhar Santiago ang mga artistang naghain ng kanilang mga certificate of candidacy sa ibat-ibang sangay ng Commission on Elections.




Sa Batangas, kasama ni Vilma Santos ang dating ka-love team na si Christopher “Boyet" De leon na naghain ng kanilang kandidatura. Muling tatakbong gobernador si Vilma, habang board member sa 2nd district ng lalawigan ang puntirya ni Boyet.

“Maglalatag kami ng programa ng mga kasamahan ko continuation and improvement of our projects and program, at ‘pag nagustuhan ‘yan ng tao siguro pagkakatiwalaan kami ng tao muli," paliwanag Ate Vi.

Muli ring tatakbong senador sina Sens Ramon “Bong" Revilla Jr. at Lito Lapid. Posisyon din sa Senado ang target nina Tito Sotto, at Imelda Papin.

Pangalawang pangulo naman ang tatakbuhan ni Edu Manzano.

Ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao, tuloy ang pagtakbo bilang kongresista sa lalawigan ng Saranggani sa ilalim ng People Champ Movement.

Suportado naman nina Robin Padilla at Bb Gandanghari ang kapatid nilang si Rommel Padilla na tatakbong bise gobernador sa Nueva Ecija.

Pagiging Board Member naman sa 1st district ng Bataan ang tatakbuhan ni Teri Aunor na kasalukuyang vice mayor ng bayan ng Abucay.

Pinatunayan naman ng Quezon City ang bansag na “City of Stars" sa dami rin ng kakandidatong artista sa lungsod. Mula sa pagiging bise alkalde, posisyon na ngayon ng alkalde ang hinahabol ni Herbert Bautista.

Si Konsehal Aiko Melendez, kakandidato naman ngayon bilang vice mayor. Posisyon naman sa konsehal ang pakay nina Arnel Ignacio, Roderick Paulate, Ricky Davao, Ma Isabel Lopez, Glenda Garcia, Gian Sotto, Ara Mina, at Alfred Vargas.

Nitong Lunes ay naghain si Richard Gomez ng COC bilang kongresista sa bayan ng kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez sa Ormoc, Leyte.

Sinabi sa ulat na may mga kumukuwestiyon sa kandidatura ni Richard dahil hindi ito tubong-Ormoc. Ang mga naturang kritisismo ay hindi umano pinapansin ng aktor.

Sa Paranaque City, naghain si Joey Marquez ng kanyang kandidatura para muling maging alkalde. Habang posisyon muli sa pagka-bise alkalde ang tatakbuhan ni Anjo Llana. Nauna ng file ng COC si Alma Moreno bilang konsehal.

Una ng napaulat na tatakbo muling kongresista si Dan Fernadez sa lalawigan ng Laguna; habang bise gobernador ng Rizal ang target ni Jestoni Alarcon, at board member ng Laguna si Angelica Jones. - GMANews.TV

No comments:

Post a Comment